๐’๐ฆ๐š๐ฅ๐ฅ ๐๐ž๐ฅ๐š๐ ๐ข๐œ๐ฌ ๐‚๐š๐ญ๐œ๐ก ๐„๐ฌ๐ญ๐ข๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ, ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐…๐€๐‘

Sa pagpapanday ng mga polisiya at planong ipinatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) tulad ng National Sardine Management Plan (NSMP), binibigyang-diin ang kahalagahan ng akmang datos sa huli (catch data) upang matiyak ang wastong pangangasiwa ng pangisdaan nang naaayon sa siyensya. 

Kaya naman isinagawa nitong Oktubre 20-21 sa Lapu-Lapu City, Cebu, ang isang Small Pelagics Catch Estimation and Reconciliation Workshop, kung saan tinalakay ng BFAR, National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), Philippine Statistics Authority (PSA), at Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang kanilang mga datos at paraan ng pangangalap ng mga ito upang makabuo ng maaasahang batayan para sa pamamahala ng small pelagic fisheries kabilang ang sardinas o tamban.

Ang workshop ay isinagawa sa ilalim ng FishCoRe Project, isang pitong-taong proyekto ng BFAR, NFRDI, at PFDA, katuwang ang World Bank, na naglalayong palakasin ang pangangasiwa ng pangisdaan na nakaangkla sa siyensya at ecosystem approach to fisheries management (EAFM) sa FMA 6 at FMA 9.

Ang gawaing ito ay isang konkretong hakbang tungo sa mas matalinong pangisdaan at mas matatag na kabuhayan para sa mga mangingisdang Pilipino.

fishcore-admin
http://fishcore.bfar.da.gov.ph

Comments are closed for this post.